(Mula sa 178 kompanya) P58-M KONTRIBUSYON HINAHABOL NG SSS

SA ikatlong pagkakataon mula sa Malolos city at Baliwag muling nagsagawa ng Run Against Contribution Evaders (RACE) ang Social Security System (SSS)-Meycauayan Branch ang pagbisita sa mga kompanya na nakalimot sa kanilang obligasyon dahil sa pandemya.

Layon nitong makolekta ang nasa P58 milyong delinquent ng 178 na mga employers sa bayan ng Marilao, Meycauayan, Obando at Bulakan na hindi pa nakabayad at hindi nagbabayad ng kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.

Sa ginanap na Run Against Contribution Evaders (RACE) Campaign sa Marilao at Meycauayan, muling pinaalalahanan ang mga employers na habulin ang palugit hanggang May 19, 2022.

Ito’y upang ma-avail ng delinquent na mga kompanya ang Pandemic Relief & Restructuring Program (PRRP) 2 o Condonation of Penalties on SSS Contributions.

Nabatid na sa pamamagitan nito pwede o maaring bayaran na lang ang principal at interes na hindi sisingilin ang penalties.

Ayon naman kay Vice President for Luzon Central 2 Ms. Gloria Corazon Andrada, at Legal department 3 Atty Vic Byron Fernandez, layunin din ng RACE na maproteksiyunan ang mga manggagawa.

Sinabi naman ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Michael G. Regino sa mga miyembro ng SSS na gamitin ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) or Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5).

Kabilang din dito ang outstanding Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans, and Restructured Loan under the Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad mula pa noong 2016 hanggang 2019. THONY ARCENAL