(Mula sa 2 Balikbayan boxes) P30-M MARIJUANA INIHALO SA MGA REGALO

NADISKARIL ang malaking operasyon sa bentahan ng bawal na damo makaraang ma­diskubre ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa dalawang Balikbayan Boxes ang Kush Marijuana na nagkakahalaga ng P30 milyon sa Taguig City.

Ang pagkakadiskubre sa mga kontrabando ay nang iturnover ng mga ma­nager ng dalawang bodega sa PNP-DEG Special Operations Unit–National Capital Region (SOU-NCR) office sa Camp Bagong Diwa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame mula sa tanggpan ni  PNP-DEG Director BGen Eleazar Pepito Matta, nabatid mula sa pagsisiyasat ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng PNP-DEG SOU NCR, Intelligence and Foreign Liaison Division (IFLD), at PDEA NCR-SDO natuklasan na naglalaman ang da­lawang Balikbayan Boxes ng 20,000 gramo ng Kush Marijuana na nagkakahalaga ng P30 milyon na nakapaloob sa 40 sachets.

Kasama sa mga kahon ang iba pang non-drug items,  kabilang ang  canned goods, rice, at mga damit.

Pinasalamatan naman ni Matta ang operasyon ng kanyang mga tauhan maging ang dalawang sibilyan na nagsuko sa mga kahina-hinalang Balikbayan Boxes.

“This successful ope­ration underscores our resolve to disrupt the illegal drug trade at every level. We are unwavering in our commitment to ensuring accountability and upholding the law,” ayon pa kay Mata.

EUNICE CELARIO