ISINUSULONG ang panukalang batas na naglalayong ibaba sa 56 mula sa kasalukuyang 60 ang edad ng senior citizen.
Inihain ni Senador Bong Revilla ang Senate Bill No. 1573 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7432.
“Sa panahon ngayon, lalo na at nagkapandemya, madami ang hindi pinalad umabot sa edad na sisenta. Sabi nga e, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Kaya habang may oras pa e bigyang halaga na natin sila sa pamamagitan ng pagpapaabot ng benepisyo,” sabi ni Revilla.
Sakaling maisabatas, maisasama na ang edad 56 hanggang 59 sa mga benepisyong ibinibigay sa mga senior citizen. LIZA SORIANO