PUNUMPUNO ng hamon sa buhay ang pinagdaanan ng ating tampok na star vendor sa isyu ng Pilipino MIRROR ngayon.
Ito ay dahil nagsimulang, pumalaot sa pagiging tindera sa bangketa ang ating bida sa edad na 17 at noong panahon na iyon ay sapatos ang kaniyang inilalako sa Baclaran.
Kilalalanin natin ang bida naman ngayon ng mga gulay sa palengke ng Parang, Marikina City na si Alona De Guzman, at ang kanyang kaagapay sa pagtitinda ang kanyang asawa na si Ronald, na isang dating food crew Sa Duty Free NAIA.
LUMAGAY SA TAHIMIK
Sa edad na 23 ay lumagay na sa tahimik si Alona kapiling ang nagpatibok ng kanyang puso na si Ronald.
Siyempre pa, sa Baclaran niya nakatagpo ang napangasawa habang siya ay nagtitinda ng mga sapatos at sa araw-araw na dumaraan si Ronald bago pumasok sa Duty Free ay yumabong ang kanilang damdamin sa isa’t isa.
Nang magsama sila ni Ronald ay pumapasok pa rin itoi bilang Food Crew sa Duty Free habang ang ating bida ay patuloy na nagtitinda.
Hanggang magkaroon na sila ng anak ay huminto na si Ronald sa pagpasok bagkus ay lumikas na sila papuntang Marikina City dahil na rin tatlo na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
NAGING PAYAK ANG BUHAY SUBALIT KONTENTO
Hindi man agad sila nagkaroon ng sariling bahay ay masaya naman silang mag-asawa dahil napag-aaral nila ang tatlong anak na sina Jhon Patrick,; Pamela, na kapwa nasa highschool na at ang kanilang bunso na si Patricia..
Limang taon na silang nagtitinda ng gulay sa palengke ng Parang na sinimulan lang nila sa puhunang P240 subalit doon na rin sila nakatira sa kanilang puwesto sa kahabaan ng palengke ng nasabing lugar .
Isinasara lang nila ang kanilang puwesto ng gulay dahil ginawa na nilang tirahan at sa labas na lang sila nagtitinda, kayat hands on silang mag-asawa sa kanilang maliit na negosyo.
NAGPAPASALAMAT SA NATAGPUANG NEGOSYO
Bagaman aminadong maliit ang negosyo, labis-labis ang pasasalamat ni Alona sa natagpuang “blessings” dahil ito aniya ang tumutustos sa kanilang pangangailangan sa buhay.
“Kung hindi dahil sa pagtitinda naming ng gulay, hindi kami makakaraos, at lubos ang pasasalamat naming sa Maykapal dahil sa mga biyayang aming nakakamit. Masarap magbanat ng buto kung para rin lamang sa pamilya at kahit paano ay may pantustos kami,” ayon pa kay Alona.
Nang tanungin ng manunulat na ito kung magkano na ngayon sa palagay nila ang puhunan ng kanilang paninda na sinimulan lang nila noon sa P240 ay masayang sinagot nila ng humigit kumulang P4,000.
Nakakasama na rin nilang magtinda at magpalit palit sa pagbabantay ang kanilang tatlong anak kapag walang pasok, habang ang ama ng tahanan ay namamakyaw ng mga gulay. ELMA MORALES
721878 834437Hey there! Good stuff, please maintain me posted when you post something like this! 988940
609846 438135Fantastic weblog here! Also your web site loads up quickly! What host are you using? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as quick as yours lol 646464
217435 966538Sweet internet site , super design , truly clean and utilize genial . 320220
749725 354637Merely wanna input which you have a quite nice web site , I love the pattern it really stands out. 495784
505630 598186Hi my loved 1! I want to say that this article is wonderful, excellent written and include almost all vital infos. I would like to peer a lot more posts like this . 400433
448857 572Properly worded post will likely be sharing this with my readers this evening 2201