(Mula sa Cambodia at Vietnam) SCREENING SA MGA DAYUHAN HIHIGPITAN

TINIYAK ng mga Immigration Officers (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dadaan sa butas ng karayom ang mga pasaherong galing Cambodia at Vietnam bilang pagsunod sa kautusan ng bagong talagang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa report na nakalap ng pahayagang ito, nakasaad sa naturang kautusan na ipadadaan sa secondary inspection ang mga pasaherong nagmula sa binabanggit na mga bansa upang masiguro ang pakay sa pagpasok sa bansa.

Ito ay matapos makarating kay Commissioner Norman Tansingco ang report mula sa local law enforcement agencies kaugnay sa kidnapping at extortion activities mula sa mga sindikato na nagmula sa nasabing mga bansa.

Ito rin ang paksa na kasalukuyang tinatalakay ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Kongreso.

“This is how immigration works,” ani Tansingco.

“We look at arrival trends and look for patterns. Our partnership with other law enforcement agencies allows us to see whether there is a need to tighten measures on certain types of travelers,” dagdag pa nito. FROILAN MORALLOS