(Mula sa house arrest) DATING REP. ARNOLFO TEVES PINALAYA NA

PINALAYA na mula sa house arrest si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio ang reports na inilathala ng media sa Timor Leste na ipinag-utos ng tribunal na nagsasagawa ng extradition proceedings ni Teves ang pagpapalaya sa dating mambabatas mula sa house arrest.

Subalit, may ilan aniyang partikular na kondisyon ang ipinataw sa pagpapalaya kay Teves kabilang ang regular reporting sa court officer at commitment nito na huwag umalis ng East Timor habang nakabinbin pa ang kaniyang extradition case.

Kaugnay nito, ibinalik ang ganap na kalayaan ni Teves alinsunod sa utos ng mataas na hukuman ng Timor Leste na nagpapawalang-bisa sa preventing detention order dahil sa mga nakitang depekto sa kahilingan ng gobyerno ng

Pilipinas para sa extradition ng dating mambabatas.

Matatandaan na nag-ugat ang mga pagdinig ng Court of Appelas ng Timor Leste sa extradition case ni Teves mula sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na i-extradite si Teves pabalik ng bansa na humaharap ng mga kaso ng pagpatay kaugnay sa kaniyang pagkakadawit bilang utak o mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa sa kaniyang bahay sa Pamplona noong Marso 4, 2023.
EVELYN GARCIA