(Mula sa iba’t ibang bansa) 133 PINOY NAKAREKOBER SA CORONAVIRUS

DFA

PASAY CITY-  SA 347 Pinoy na kabilang sa 535 confirmed cases ng coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang bansa na  sumailalim sa medical treatments, 133 sa kanila ay na-discharge at naka-recover na sa naturang sakit.

Ito ang kinumpirma Department of Foreign Affairs (DFA) na  nabawasan na ang bilang ng mga positibo sa  COVID-19 sa mga Pinoy na nasa iba’t ibang bansa.

Ayon sa DFA, sa 34 mga bansa at rehiyon na sakop ng Amerika, Asya Pacific, Europa, Gitnang Silangan, at Africa, 535 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa mga Pinoy habang 242 dito ay na-verify ng Department of Health-International Head Regulation (DOH-IRH) kabilang na rito ang 6 na panibagong nasawi mula naman sa America at Europa.

Umabot naman sa 55 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Batay sa records ng World Health Organization (WHO) ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ay naitala sa America kumpara sa ibang rehiyon na nagsimula nitong buwan ng Abril.

Maraming Pinoy umano sa North America kung saan ilan sa kanila ay mga vulnerable na madaling kapitan ng naturang sakit.

Kaugnay nito patuloy ang DFA sa pagsisikap na mapadali ang kanilang repatriation, pagbibigay ng tulong at pangangailangan sa mga OFW gayundin sa mga seafarer na nasa mga bansang apektado ng COVID-19 pandemic. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM