Mula sa ika-17 palapag ng condo CHINESE NATIONAL TUMALON

building

BASAG ang bungo at nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 49-anyos na turistang Chinese national matapos  umano itong tumalon mula sa 17 palapag ng  isang condominium sa Pasay City ka­makalawa.

Kinilala ang nasawi na si Dong Hua, tubong ­Quidong City, Jian, China at ­kasalukuyang nanirahan sa Room 819 ­Studiozen Residence, Taft ­Avenue ng naturang siyudad.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police na si Chief Inspector Wilfredo Sangel, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon sa Avida Tower Prime, Taft Avenue, Brgy. 36, Zone 3 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bumisita ang biktima sa kanyang mga kababayan na nanunuluyan sa nabanggit na condominium kung saan niya isinagawa ang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon nito mula sa ika-17 palapag.

Napag-alaman, nang isagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay naroon ang apat na Chinese nationals hindi muna binanggit ang mga pangalan.

Inimbitahan naman ng Pasay City Police ang mga kababayan ng biktima para imbestigahan ang ginawang pagpapakamatay nito.

Ang bangkay naman ng biktima ay dinala sa Veronica Funeral Homes at inaalam na rin ng pulisya kung may foul play ang nasabing insidente.  MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.