NAKATANGAP ng surrender feeler ang Philippine National Police (PNP) mula sa mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati.
Ito ang pahayag ni PNP Chief Debold Sinas kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya Dacera.
Sinabi ni PNP Chief na sa kabila na may mga nagpahayag ng susuko, hindi naman nito tinukoy kung ilan.
Binigyang diin ni Sinas, tukoy na nila ang motibo ng pagpatay kay Dacera pero hindi na muna nito idinetalye habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Ayon pa kay Sinas, mahigit 11 na ang suspek sa ngayon at pinaninindigan pa rin nito ang kaso rape.
Subalit, hindi naman nito maipaliwanag ang lumabas na medico legal sa social media na raptured aneurysm ang ikinamatay ni Dacera.
Aniya, maaring talaga ito mangyari at hintayin na lang resulta ng final investigation. REA SARMIENTO
72 ORAS NA ULTIMATUM TAPOS NA
TAPOS na ang ibinabang 72 oras o tatlong araw na ultimatum na ibinigay ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa mga suspek sa panghahalay at pagpatay sa Flight attendant na si Christine Angelica Decera sa isang hotel sa Makati noong bisperas ng bagong taon.
Nabatid na kasalukuyang tinatrabaho ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang sinasabing walo o higit pang suspek na sangkot sa umano’y rape-alay case.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng kapulisan na kumpirmadong ginahasa ang flight attendant na si Christine Angelika Dacera.
Babala ni Gen. Sinas, sa paglipas ng itinakdang palugit ay magiging subject ng manhunt operation ng PNP ang mga suspek at hindi magdadalawang isip ang mga pulis na gumamit ng puwersa kung kinakailangan para mahuli ang mga ito.
Ayon kay Sinas, base sa lumabas na medico legal report, present ang lahat ng elements na ni-rape ang biktima kaya maituturing na rape-slay case ang kaso ni Christine.
Ibinunyag din ni Sinas na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga suspek batay na rin sa mga nakuhang CCTV footages.
Isang nationwide manhunt operation ang agad na ikakasa ng PNP-CIDG at maging ng mga tauhan ng PNP-National Capital Region Police Office sa pamumunio ni Director Vicente Danao sa oras na lumabas ang ina-antabayang warrant of arrest laban sa mga at large na suspek.
Kaugnay nito, naki-usap si Danao sa mga suspek sa Dacera rape-slay case na boluntaryong sumuko na lamang sa awtoridad bago pa lumabas ang kanilang warrant.
Iminungkahi ni Danao, kung takot sumuko sa police station, maaari silang pumunta sa simbahan at sasamahan sila ng pari o magpasama sila sa kanilang mga abogado lalo na kung talagang inosente at walang kasalanan ay hindi kailangan na magtago.
Sa ngayon, nasa proseso na ang PNP sa pag-review sa mga CCTV footage habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga PNP Crime Lab at forensic experts.
Kabilang sa mga anggulong tinututukan ang posibilidad na may ginamit na iligal na droga si Christine o posible pinainom sa kanya na hindi nito alam kaya hindi pa direktang matukoy kung sa panghahalay namatay ang biktima o sa overdose.
Binigyang-diin din ni Danao may pananagutan din ang hotel sa nasabing insidente ngayong nasa general community quarantine (GCQ) pa rin ang Metro Manila at bawal pa rin ang mass gathering lalo na kapag ang kuwarto, “good for four”, dapat dalawang indibiduwal lang ang nasa loob.
Paliwanag naman ni PNP Spokesperson BGen. Ildebrandi Usana, kahit wala pang warrant of arrest laban sa mga suspek ay na-identified na ang mga ito na kasama ng biktima nang mamamatay kaya kailangan nilang iprisinta ang kanilang sarili sa mga awtoridad para magpaliwanag. VERLIN RUIZ/EVELYN GARCIA
Comments are closed.