NAKAALERTO ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pagpasok ng “Black Coaine sa bansa na magmumula sa South America.
Dahil Dito, inatasan ang kani-kanilang mga tauhan na maging mapagmatyag sa lahat ng mga kargamento mula sa nasabing bansa.
Kabilang sa mga nasa alert status ay ang mga narcotics agents, X-ray personnel at examiners ng BOC na nakatalaga sa NAIA terminals, lahat ng warehouses , Central Mail Exchange Center (CMEC) at maging ang nakapaligid sa mga paliparan.
Ayon sa report ng ilang opisyal ng BOC sa NAIA, karaniwang kulay puti ang cocaine, ngunit hinahaluan ito ng karagdagang substance upang maging black ang kulay nito.
Dagdag pa ng nasabing opisyal ginagawa ito ng sindikato para ma-neutralize ang amoy ng cocaine upang hindi ma-detect ng mga drug sniffing dog na ginagamit ng mga tauhan ng Manila International Airport (MIAA).
Anila madali itong mai-puslit dahil ang hugis nito at kulay ay hindi pansinin.
Kaugnay nito, inatasan na rin ni NAIA customs deputy collector for Passenger Services chief Atty. Lourdes Mangaoang ang Customs Examiners at Flight Supervisors na nakatalaga sa NAIA terminals na maging mapagmatyag at mapanuri ng mga bagahe ng pasahero lalo na ang mga nagmumula sa dalawang bansa sa South America. FROILAN MORALLOS