PANGASINAN- NASA 500 beneficiaries ng cash-for-work mula sa Tarlac ang tumanggap nitong Miyerkules matapos na lumahok sa pagtatanim ng puno sa ilalim ng programa ng Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation at Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM DRR).
Ang benepisyaryo na kabilang sa tree planting activity ay tumanggap sa pamamagitan ng pay-out para sa San Jose, Tarlac mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-3 (Central Luzon) nitong Miyerkules.
Ayon sa DSWD, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P4,200 bawat isa matapos ang kanilang partisipasyon sa tree planting activities na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng CFW.
Programa ng RRP-CCAM DRR sa ilalim ng DSWD ay nagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad na nagpapagaan sa mga epekto ng pagbabago ng klima o climate change. PAULA ANTOLIN