(Mula Set. 19 hanggang 30) TRAVEL BAN SA 4 BANSA

Harry Roque

ISINAILALIM ng pamahalaan sa travel restrictions ang apat na bansa na may mataas na kaso ng COVID-19 mula Setyembre 19 hanggang 30.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama na ngayon sa ‘Red List’  o mga bansang high-risk sa COVID-19  ang Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.

Ang apat na naturang mga bansa ay bukod pa sa mga bansang inilagay sa ‘Red List’ mula Setyembre 12 hanggang 18 na kinabibilangan ng Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland.

Samantala, nasa ‘Green List’  naman ang mga bansang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.

Ibig sabihin ng ‘Green List’ ay maaaring makapasok sa Pilipinas ang mga biyaherong fully vaccinated ngunit kinakailangang sumailalim sila sa pitong araw na facility-based quarantine.

Ang mga bansang hindi nabanggit sa listahan ay nasa ‘Yellow List’ naman na ang ibig sabihin ay lahat ng inbound travelers na galing sa mga bansang moderate-risk sa COVID-19 ay maaaring pumasok sa Pilipinas subalit kinakailangang sumailalim sa 14 araw na quarantine. Sampung araw dito ay dapat sa  facility-based quarantine habang ang apat na araw ay home quarantine.

2 thoughts on “(Mula Set. 19 hanggang 30) TRAVEL BAN SA 4 BANSA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.