(Mula Timog hanggang Hilaga) 4 BANSA SANIB PUWERSA SA MARITIME, AERIAL PATROL

KINUMPIRMA ng United States Defense Department at maging ng Department of National Defense ang gagawing magkasanib puwersang Maritime Cooperative Activity sa Pilipinas .

Sa ipinarating na mensahe ay naglabas ng joint statement ang United States, Philippines, Australia, at Japan hinggil sa gaganapin magkasanib na maritime at aerial patrol ng apat na bansa mula sa timog bahagi ng bansa hanggang sa hilagang bahagi nito.

Ayon kay DND Public Affair Service Director Arsenio Andolong, limang barkong pandigma na kinabibilangan ng dalawang Philippine Navy Frigate ang Brp Gregorio Del Pilar at BRP Ramon Alcaraz ang magkikipagsabayan kay USS Mobile, isang littoral combat ship,ang Australian Navy HMAS Warramunga at Japan Maritime Defense Force Destroyer Akebonom.

Nilinaw ni Andolong na bagaman malawak ang magiging saklaw ng sabayang maritime activity ay gagawin ito sa loob ng Exclusive Economic Zone (ECC) ng Pilipinas.

Sa inilabas na joint statement ng naturang mga bansa ay inanunsyo nito na isasagawa ang naturang aktibidad sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas partikular na sa bahagi ng West Philippine Sea sakop ng Western Command hanggang sa area saklaw naman ng Northern Luzon Command.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipamalas ng combined defense at armed forces ng naturang mga bansa ang kanilang mga commitment sa pagpapalakas pa ng regional at international cooperation sa isa’t-isa bilang pagsuporta sa ideolohiya ng isang bukas at malayang Indo-Pacific region.

Ang Maritime Cooperative Activity ay isasagawa ng mga naval, maritime at air force units na alinsunod sa international law at gayundin sa domestic laws at rules ng mga bansang lalahok dito nang isinasaalang-alang pa rin ang safety of navigation, karapatan, at interes ng bawat ito.

Naninindigan ang Pilipinas, Japan, Australia, at Estados Unidos kasama ang iba pang mga bansa para sa safeguarding sa international order na nakabase sa rule of law na pundasyon ng isang mapayapa at matatag e na Indo-Pacific Region.

Kasabay nito ay muling pinagtibay ng apat na bansa ang kanilang posisyon hinggil sa 2016 Arbitral Tribunal Award bilang final and legally binding decision sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“The Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) that we are implementing includes strengthening and deepening cooperation and interoperability with all nations, big and small, to maintain regional peace and stability as well as good order at sea based on international law, principally UNCLOS. The series of bilateral and multilateral MCA is a step in building our country’s capacity for individual and collective self-defense.”

“This first in a series of activities demonstrates the enduring friendship and partnership among the peace-loving peoples of the Philippines, United States, Australia, and Japan,” pahayag ni DND Secretary Gilberto Teodoro.

Naniniwala ng DND na hindi ito makapagdudulot ng dagdag na tensyon sa West Philippine Sea dahil gagawin naman ang MCA sa loob ng ECC ng Pilipinas na base sa international law. “Ang binanggit ko kanina ano, established norms in pursuit of our national interest although we expect China to malign the exercise as they always do,” ani Andolong. VERLIN RUIZ