MULING bubuksan ng Small Business Corp. ng Department of Trade and Industry (DTI) ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program online Borrower Registration System (BRS) nito sa Agosto 17 bilang bahagi ng economic relief program para sa micro and small enterprises na naapektuhan ng pandemya.
Sa isang statement, sinabi ng SB Corp, na ang online loan applications na natanggap bago ang nasabing petsa ay nasa huling bahagi na ng pagproseso.
Tinawag na CARES 2 para makita ang kaibahan sa initial run ng programa, ang paparating na CARES window ay mag-aatas sa lahat ng applicants na mag-apply sa pamamagitan ng online BRS ng SB Corp. sa link na https://brs.sbgfc.org.ph.
Hindi na tatanggapin ang manual applications.
“The loan features of CARES 2 will have the same features as CARES 1 including loan limit, zero interest rate, service fee, grace period, and repayment terms,” ayon sa DTI.
Kakailanganin din ang parehong identification at business registration documents.
Gayunman, para mapadali ang pag-release ng loan at mabawasan ang physical contact at community transmission ng COVID-19, ang loan applicants sa ilalim ng CARES 2 na umuutang ng mahigit P30,000 ay kinakailangang magkaroon ng bank account kung saan idedeposito ng SB Corp. ang loan release proceeds.
Ang bank account ay dapat sa Land Bank of the Philippines o sa anumang PESONet o InstaPay participating banks.
“For loan applications below P30,000, electronic money accounts (EMA) such as GCash and PayMaya may substitute the bank account requirement.”
Ang bank/EMA account ay kinakailangang nasa ilalim ng pangalan ng loan applicant.
Comments are closed.