MULING itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers.
Ayon kay Valenzuela City 1st District Representative Rex Gatchalian, layon ng kanyang panukala na mabigyan ng maayos na kompensasyon at benepisyo ang Barangay Health Workers (BHWs) bilang frontliners sa paghahatid ng healthcare services sa grassroots level.
Sinabi ni Gatchalian na nakita niya sa kanyang anim na taong termino bilang alkalde ng Valenzuela City ang matinding sakripisyo ng mga barangay health worker kaya mahalaga aniyang magkaroon ng batas na tutugon sa mga pangangailangan ng mga ito. DWIZ 882