(Muling itinutulak sa Senado)DISCOUNTS SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE

MULING inihain ni Senador Juan Edgardo Angara ang panukalang batas na magbibigay ng diskuwento sa mga mahihirap na mag-aaral.

Ang Underprivileged Students Discounts Act ang isa sa mga prayoridad na panukalang inihain ni Angara sa pagbubukas ng 19th Congress.

Layon ng panukala na pagkalooban ang mga mahihirap na estudyante ng limang porsiyentong diskuwento sa food establishments, gamot, textbooks at school supplies, ganyudin sa entrance fees sa museums at cultural events.

“Hindi biro ang gastusin ng mga magulang at estudyante para sa kanilang edukasyon. Marami sa ating mga estudyante ay hindi nakakapagtapos sa kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Lahat ng klaseng tulong na matatanggap
nila, gaano man kalaki o kaliit ay malayo ang mararating,” ani Angara.

“Ang pangarap natin ay ang magkaroon ng college graduate ang bawat pamilya upang maiahon sila sa hirap. Obligasyon ng gobyerno na tulungan sila na makamit ang hangarin na ito,” dagdag pa niya.

Nauna nang isinulong ni Angara ang nasabing panukalanoong 18th Congress.