NAIINTINDIHAN ko ang sentimiyento ng mga taga-Paris sa nasunog na Katedral. In fact in a matter of days ay milyon-milyong dolyares na ang pledges mula sa mga mayayamang negosyante at fashion designers to rebuild Notre Dame. Ganu’n lang? Hindi na kailangan ng concert at fund raising events? Napanganga ang mga taga-Africa.
I admit maganda ang simbahang ito. Pinalad akong makita ang kamangha-manghang arkitektura nang magkaroon ako ng proyekto sa Paris. Mamahalin ang mga ginamit na materyales sa labas at loob. Sinimulang itayo ito noong taong 1160 under Bishop Maurice de Sully at natapos lamang noong taong 1260. Ganoon na katagal. Halos 12 million people raw ang bumibisita sa Notre-Dame taon-taon, making it the most visited monument in Paris.
SUNOG!
Sumiklab ang sunog sa ilalim ng bubong ng Katedral ng Notre-Dame sa Paris Lunes ng hapon o Martes ng madaling araw rito sa Filipinas, 15 Abril 2019. Ayon sa awtoridad, posibleng may kaugnayan ang sunog sa ginagawang renovation sa lugar. Napuksa lamang ang sunog makalipas ang 15 oras. Ganu’n katagal!
Gumuho ang bubong at ang toreng patulis. Napinsala ang mga dingding at mga bintana.
May priceless art works at iba pang mga kayamanan ang naisalba palabas noong simula ng sunog, ngunit marami pang iba ang nasira o nawasak.
Kasalukuyang nire-renovate ang itaas na bahagi ng cathedral sa halagang €6M or $6.8M. Ipinangako ng kanilang Pangulo na ipaayos ito at inilunsad ang kampanyang mangangalap ng €800M. Halos mapunuan na ito makalipas lamang ang ilang araw. Ganu’n kabilis?
PERO SA HAITI
“We Are the World” ang titulo na pinagsamahan ng dosenang mga world artists, gaya nila Michael Jackson, Lionel Ritchie, Paul McCartney, Diana Ross at marami pang iba.
Ginawa nila ito para matulungan ang bansang Haiti matapos ang matinding lindol noong January 12, 2010, na may magnitude 7.0 Mw.
Libre ang kanilang serbisyo para makaahon ang Haitians sa kahirapan. It has been estimated that the death toll has reached 200,000 people.
Nakalikom sila ng higit $63 million na ang katumbas sa ngayon ay $144 million. Barya kung ikukumpara sa €800M para sa Katedral. “Unfortunately, sometimes it takes a hit record to make someone decide to save a life. I want this song to be the battle cry again. Every once in a while, you have to wake the world up,” ayon kay Lionel Ritchie. Gaano ba kahalaga ang buhay kumpara sa istruktura? Nagtatanong lang.
RESUREKSIYON NG FILIPINAS
“On the third day he rose again in accordance with the Scriptures.” ‘Yun ang pinakamahalaga du’n. Mas mahalaga pa kaysa sa pamamasyal sa Baguio, Boracay o saan mang Piso promo ang nabili ng ating mga bakasyonista sa eroplano.
Ayon sa religious leaders, hindi natin kailangan magpapako sa krus.
May gumawa na nu’n para sa atin. Ang kailangan ay pumunta sa isang sulok at magdasal mag-isa ng taimtim. “Lord thank you ako’y inyo pong ginising!”
Papalapit na ang Mayo at napakaraming mga kandidato ang humihingi ng ating boto. Kulang na lang ay manikluhod sila. May magpapa-picture na binubuhat at hinahalikan ang mga batang marusing. May nagpapanday kuno ng kahoy na silya. May kumakain sa karinderya habang nakaismid ang tindera. Lahat ng gimik ginagawa pati pagtaas ng kamay ng artista. Kailangan ba natin ang mga ito?
Sa kalagitnaan ng kaguluhan sa ating bansa, ang kailangan natin ay kapayapaan at seguridad. Ang kailangan natin ay tunay na mambabatas at hindi mambabatikos. I am not endorsing any candidate. Hindi ako naniniwalang kailangang maupo sa puwesto para makatulong sa tao. Ang ikauunlad ba ng buhay natin ay kung anong partido ang mananalo? Magbibigay ba sila ng pambaon sa eskuwela ng mga bata? Makikipagsiksikan ba sila sa LRT at MRT kasama mo habang hinahabol mong huwag ma-late sa trabaho? Bayan, mag-isip ka!
*Quotes
“Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga ay manatili. At anumang ang inyong hingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay Niya sa inyo.” – John 15:16
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.