MULING PAGGAMIT NG DENGVAXIA ‘DI PA PINAL

NILINAW ng Malakanyang na hindi pa isinasapinal ang muling paggamit ng dengvaxia vaccine.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaugnay ng patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa bansa.

Aniya, bagaman welcome sa gobyerno ang muling paggamit sa kontrobersiyal na bakuna ay dapat mu-nang ikonsidera ang opin-yon ng World Health Organization (WHO) at ng medical experts.

Paliwanag ni Panelo, ayaw na nilang maulit ang pagkakamali kung saan ginamit ang dengvaxia para sa political agenda.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Panelo na bukas din ang pamahalaan sa protocol na itinakda ng WHO na nag­rerekomenda sa “pre-vaccination screening strategy” para sa paggamit ng dengvaxia.

Samantala, sinabi rin naman ni Panelo na kapag napatunayang epektibo ang dengvaxia ay tiyak na mapapababa nito ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa bansa.   DWIZ 882

Comments are closed.