TINIYAK ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Usec Ricardo Jalad na nagsasagawa ng mga paghahanda ang gobyerno sakaling magkaroon ng volcanic eruption kasunod ng naganap na phreatic explosion at Mt Bulusan sa lalawigang ito.
Kasabay nito, maging ang mga ahensiyang nasa ilalim ng NDRRMC at Office of Civil Defense sa panahon ng kalamidad ay gumagawa rin ng mga kaukulang emergency preparation.
Sa kasalukuyang inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) Director , Dr. Renato Solidum na nasa alert level pa rin ang sitwasyon ng Mt Bulusan.
Nilinaw ni Jalad na ang mandatory evacuation o force evacuation ay ipatutupad lamang kapag itinaas na ang alert level ng Bulkan ng Bulusan sa alert level 3 hanggang alert level 4.
At oras na maganap ang pinangangambahang pagputok ay unang ililikas ang naninirahan sa bayan ng Irosin dahil malaking bahagi sa naturang munisipalidad ay nandoon mismo sa caldera ng Mt.Bulusan.
Samantala, inaayos na ang pagpapabalik sa kani kanilang mga tahanan ang mga nag-evacuate sa sandaling matapos ang paglilinis at clearing operation na isinasagawa ng mga tauhan ng Philippine Army, Philippine National Police , Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at mga tauhan ng LGUs sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Jalad, patuloy ang cleaning activities sa tatlong apektadong munisipalidad sa pagtutulungan ng ng mga lokal komunidad .
Iniulat din ng NDRRMC na nasa higit P20 milyong halaga ang estimated at initial assessment na naapektuhan at napinsala sa produksiyon ng agrikultura sa probinsya ng Sorsogon matapos ang pagsabog ng Bulkang Bulusan nitong Linggo, Hunyo 7.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nagtakda na ang Department of Agriculture (DA) ng animal evacuation center sa lugar, habang ibabase naman ng pamahalaan sa magiging assessment sa mga supply ng crops at livestock na available ang ibibigay suporta sa mga magsasaka.
VERLIN RUIZ