MULING PAGSALAKAY SA MARAWI, “FAKE NEWS”– GEN BRAWNER

Marawi

MARIING pinabulaanan ngayon ng Philippine Army ang bantang muling sasalakayin ng ISIS influenced terrorist ang lungsod ng Marawi kasabay nang nagaganap na religious activites sa Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut ng nasabing siyudad.

“Please be informed that there is NO TRUTH to the rumor that there will be another siege that shall happen in Marawi City due to the alleged pre­sence of ISIS-inspired terrorists in the three-day Juhor currently happening at Abubakr Masjid (Markaz), Basak Malutlut,”  pahayag ni Brigadier General Romeo Brawner, Jr. ng  103rd Brigade.

Ayon kay  Gen. Brawner nakipag ugnayan sa kanila ang Juhor at bunsod nito ay may mga pulis at sundalong ipinakalat sa lugar para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang Islamic holy acti­vity na dadaluhan din ng mga fo­reign participants.

Tiniyak ng  mga kinatawan ng Juhor na babantayan din nila ang kanilang hanay at agad na isusumbong sa militar ang anumang kahinahinalang tao o mga pagkilos.

Hiniling naman ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigyan sila ng listahan ng mga foreign participant.

Ayon pa kay Brawner, may mga sundalong Muslim din ang makikiisa sa nasabing religious activities na nagsimula kahapon.

Tiniyak pa ng opisyal, na ang lahat maging ang  provincial government, municipal mayors, religious and community leaders, at  securiry sector ay nagtutulong-tulong upang hindi na maulit pa ang madugong 2017 Marawi siege.                             VERLIN RUIZ

Comments are closed.