POSIBLE pang masundan ang naganap na pagtataas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong araw.
Ipinaliwanag ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) partylist Rep. Arnel Ty na masyadong mabilis ang pagtaas ng presyo ng LPG sa international market.
Nagpatupad na kahapon ng umaga ng P2 na dagdag ang mga kompanya ng langis sa bawat kilo ng LPG.
Ipinaliwanag pa ni Ty na mula sa dating $617 per metric ton ngayon ay mabibili na ang LPG sa halagang $657 kada metriko tonelada.
Samantala, tiniyak naman ni Energy Assistant Sec. Bodie Pulido na iimbestigahan nila ang P2 increase sa bawat litro ng LPG dahil masyado umano itong mataas.
Bagaman aminado ang opisyal na tumaas ang halaga nito sa world market ay hindi naman dapat umabot sa P2 bawat kilo ang maging patong sa presyo ng LPG.
Bukod sa LPG ay mataas din ang halaga ngayon ng gasolina at krudo sa world market.
Sinabi ng DOE na epekto ito ng geopolitics situation sa Iran at economic sanctions naman sa Venezuela.
Comments are closed.