MULTA, KULONG SA LALABAG SA SRP SA BIGAS   

srp bigas

NAGBANTA si Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na matatanggalan ng lisensya ang mga rice trader na hindi susunod sa pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) na itinakda ng National Food Authority (NFA).

Posible rin silang makasuhan at patawan ng malaking multa ayon sa kalihim.

Ito ay kaugnay sa pagsisimula ng implementasyon ng SRP sa mga ibinibentang bigas sa mga pamilihan simula kahapon. Ipinaliwanag ng kalihim na binibigyan naman nila ng pagkakataon ang mga negosyante na ibenta muna ang mga bigas na kanilang nabili sa mas mahal na halaga sa nakalipas na mga buwan.

Bukod sa SRP ay maghihigpit na rin ang NFA sa pagpapatupad ng color coding para sa price list ng itinitindang bigas.

“Sanctions include a written warning on the first offense and for succeeding offenses, the violators could suffer penalties of a jail term of between four months and four years and a penalty of between PHP2,000 and 1 Million. The NFA will also cancel their licenses to engage in rice trading and retailing,” ayon pa sa kalihim.

Base sa inilabas na SRP ng NFA, ang regular milled rice ay nagkakahalaga na ng P39 kada kilo.

Ang well-milled rice at P44 bawat kilo, premium rice ay P47 para sa nabili sa local source samantalang P43 naman kada kilo para sa mga imported na variety.

Comments are closed.