MULTA SA ILLEGAL PARKING P1K-P2K NA

NO PARKING

INAPRUBAHAN na ng Metro Manila Council ang pagtataas ng multa para sa mga motoristang lalabag sa illegal parking.

Ayon sa Metropolitan Ma­nila Development Authority (MMDA),  mula P200 ay  itinaas sa P1,000 ang multa para sa mga nakaparadang sasakyan na may sakay na tao.

Kung mahuli namang nakaparada at walang sakay, P2,000 ang multa mula sa dating P300.

Nilinaw ng MMDA na idadaan muna ang polisiya sa public consultation at pag-aaral ng traffic committee bago ito ipatupad.

Comments are closed.