MULTA SA MGA DUDURA SA KALSADA

spit

PAGMUMULTAHIN sa Caloocan City  ang sinumang mahuhuling  dumura at suminga sa kalsada.

Hindi bababa sa P1,000 o makukulong ng hanggang 10-araw ang sinumang mahuhu­ling dumudura o su­misinga sa mga pampublikong lugar sa nasabing lungsod.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng corona virus disease (COVID-19) matapos sumirit sa 147 ang bilang ng mga namamatay na dulot ng nasabing virus.

Nakapaloob ito sa inaprubahang Ordinance No. 11-111 ng Sangguniang lungsod, ang anti-spitting ordinance na nakasaad;  “no person shall carelessly, deliberately or indiscriminately spit saliva or expel phlegm, mucous, or other substances from the mouth or from the nose in public streets, alleys, sidewalks, parks, squares, malls, markets, halls, public motor vehicles, buildings, banks, terminals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals, clinics, and other public places.”

Bagaman ang pagdura sa mga pampublikong lugar ay ipinagbabawal na sa ilalim ng anti-littering ordinance noon pang 2018, sinabi ni  Konsehal Orvince Hernandez na kailangan ang mas mahigpit at komprehensibong ordinansa sa gitna ng pandemya.

Gayundin, para sa unang paglabag, ang mahuhuli ay pagmumultahin ng P1,000 at oobligahing du­malo sa health seminar ng City Health Department o kaya’y  makukulong ng 10 araw depende sa utos ng Korte at a ikalawang paglabag naman, P5,000 ang multa o pagkakulong ng isang buwan.

Base sa ulat ng Caloocan Health Department, umabot na sa 3, 672 ang nagpositibo sa COVID-19 noong Agosto 15 habang nasa 1,832 na ang nakarekober. VICK TANES

Comments are closed.