TILA ‘kamay na bakal’ ang gustong ipatupad ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte para ganap na masugpo ang corruptions sa Bureau of Internal Revenue (BIR) – ang patawan ng multang P2 milyon at anim na taong pagkabilanggo ang sinumang revenue officials and men na masasangkot sa pangongotong sa taxpaying-public.
“Ano pa ba ang kulang kung nakabayad na ang taxpayers sa capital gains, business at iba pang tax payment pero ayaw ni’yo pang ibigay ang resibo sa pinagbayarang buwis? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nagbabago?,” anang bahagi ng sermon ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay nang pulungin nito ang 22 regional directors at 124 revenue district officers sa isang urgent meeting ukol sa makabagong tax strategy sa kung paano makokolekta ang napakataas na P2.5 trillion tax collection goal ngayong fiscal year.
Sa patuloy na korupsiyon sa BIR, inatasan ni Commissioner Billy ang mga BIR frontliner na tigilan na ang panggigipit sa mga taxpayer sa paghingi ng mga supporting at additional documents na siyang ugat ng umano’y pangingikil para lamang mapabilis ang proseso ng releases ng tax clearance gaya ng electronic certificate authorizing registration, mga dokumento sa capital gains at business taxes.
Ang verbal directive ay iniutos ng BIR chief kaugnay sa revised charter at existing regulations sa harap ng gabundok na reklamong tinatanggap la-ban sa mga abusadong revenue frontliner.
Karamihan sa reklamo ay ang umano’y never-ending na dokumento na hinihingi ng frontliners kahi’t hindi naman kailangan para gipitin ang taxpay-er sa sale and transfer ng titles, registration of new business, printing of invoices/receipts at iba pang tax clearances na ipinagbabawal sa anti-red-tape law o nilalaman ng Republic Act 11032 o Ease of Doing Business Law.
Sa Section 22 ng nasabing batas, sinumang revenue officials and employees and other government workers na lalabag sa kautusan ay mapapatawan ng parusang anim na buwang suspensiyon hanggang sa permanent disqualification, forfeiture of retirement benefits – bukod pa sa kahaharaping criminal charge na may multang P2 milyon at pagkabilanggong anim na taon.
Ang BIR ay isa sa tinukoy kamakailan ni Pangulong Duterte na kabilang sa corrupt agencies – kasama ang Bureau of Customs, Bureau of Immigra-tion, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Department of Transportations at iba pa na hanggang ngayon ay namamayani pa rin ang katiwalian.
Ipinasara naman ng BIR ang itinuturing na pinakamalaking outlet ng POGO online game na Synchronization Anywhere for You, Inc. na nasa Eas-field Center, Macapagal Avenue, Pasay City dahil sa ‘di pagbabayad ng P114 milyong 5-percent tax. Marami nang ipinasarang POGO outlet ang BIR pero ang nakalilito ay walang official collection report na pina-lalabas sa kung magkano na ang nakolektang buwis mula nang simulan ang kampanya laban sa POGO.
Ang BIR ay sinasabing nagpapasara ng POGO sa mga hindi nagbabayad ng 5-percdent franchise tax. Nakapagtataka na bukod sa kinokolektsa ng BIR. Ang PAGCOR ay kumokolekta rin ng 2-percent franchise tax laban sa POGO na wala ring breakdown na pinalalabas sa kung magkano ang total collection laban sa nasabing mga outlet.
May report na ‘di umano’y nakakolekta ng mahigit na P125 bilyon ang BIR sa 5-percent franchise ng POGO sa taxable year 2019 pero wala namang report kung magkano ang nakolekta sa taong 2017 hanggang 2018? Wala ring official report na pinalalabas ang PAGCOR sa gayung taxable years!
Bukod sa 5-percent percentage tax, hinahabol din ng BIR ang mga POGO employee sa 25-percent final withholding tax, ngunit wala ring figure na pinalalabas ang binuong ‘Task Force POGO’ ng BIR ukol sa breakdown ng tax collections mula simula hanggang kasalukuyan?
Hindi rin malinaw kung magkano ang naiambag na tax collections ng Task Force POGO sa mga nakalipas na taxable years o naidagdag sa overall tax collection goal ng BIR?
Ang tanong, saan napunta o ipinasok ang mga nakolektang buwis mula sa POGO na 5-percent franchise tax at 25-percent na final withholding tax? At ano na nga ba ang status ng tax collections ng BIR at PAGCOR sa sinasabing kinokolektang 5-percent at 2-percent franchise taxes?
Sa POGO operations, nangako ang mga operator nito na maglalagak ng P2 bil-yong buwis kada buwan mula sa mahigit na 100,000 Chinese work-ers, subali’t hindi umano natupad.
Una nang sinabi ni Secretary Sonny Dominguez na umaasa ang BIR na makakokolekta ng karagdagang P2 bilyong buwis mula sa Chinese workers ng POGO kada buwan o P24 bilyon kada taon bilang karagdagang taxes.
Bukod sa mga POGO worker, dumagsa rin sa bansa ang mga Chinese worker na kabilang sa mga trabahador sa paggawa ng iba’t ibang road pro-jects sa bansa, kabilang na ang mga itinatayong rail transport at nagsulputan na rin ang sangkatutak na Chinese nationals na nakikita sa maraming dako ng bansa at nakatira sa mga condominium units.
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344 / 09266481092 o email: [email protected])
Comments are closed.