MULTI MILLION HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT

MULTI-MILLION high grade marijuana o mas kilala sa tawag na Kush ang nasabat sa joint anti-drug smuggling operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Port of Manila .

Sa ulat ng PDEA bukod sa Kush ay may iba’t ibang marijuana products din ang kasamang nadiskubre ng mga awtoridad sa South Harbor Port of Manila ng mga tauhan BOC Seaport Interdiction Unit North Harbor at PDEA .

Nakapaloob ito sa ilang kahon na may tatak na “Lawin Balikbayan Box” na nagmula sa bansang Thailand.

Batay sa report nakarating sa tangapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo katuwang ang mga tauhan ng Aduana ikinasa ang interdiction operation sa tulong Custom PDEA SIU – POM PDEA SIU MICP, Regional Office NCR K9 UNIT , PNP at MPD DDEU ay isinagawa ang physical examination sa mga kahina hinalang kargamento sa Bagong Warehouse 3, ATI Container Yard Port of Manila

Nabatid na isang KD Bentayen ang sender ng mga kontrabando na naka address naman sa Asia Damoco KC-761 Upper Cross Lt. Benguet bilang consignee.

Batay sa inisyal report ng anti illegal drug law enforcement unit , umabot sa 122 foil pack ng Kush or high grade marijuana na tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa ang nadiskubreng nakapaloob sa limang balikbayan box na tinatayang nagkakahalaga ng P146,400,000.00; street value o Standard Drug Price, na ipinadala ng isang Shiela Mae Alvarez na nakapangalan sa iba’t ibang consignee.

Habang labing 13 backpack box na naglalaman ng 37 Plastic Box na may 292 pirasong Plastic Pack na naglalaman din ng Marijuana Kush na 146 kilos ang timbang at may street value na aabot sa P175,200,000.00

Apat na plastic box na naglalaman ng 162 pcs na maliliit na kahon na naglalaman ng kabuuang 810 piraso ng vape, na naglalaman ng hinihinalang cannabis sativa oil na may tinatayang halaga na P 81,000.

Kabilang pa sa mga kontrabandong nasamsam ang 16 pcs small canister na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush na may bigat na 450 grams; tatlong pakete ng pinatuyong mushroom na may 1.5kg; dalawang maliit na brick ng hashish at walong maliit na pakete ng pulbos na marijuana

Samantala, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang operasyong ito ay “nagpapakita ng ating pangako sa pag-iwas sa iligal na droga sa ating mga komunidad”.

Sinabi pa ni Rubio na ang mga consignee, nagpadala, at tatanggap ng balikbayan boxes ay posibleng mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 118 (prohibited importation and exportation) at Section 1400 (misdeclaration) sa goods declaration tungkol sa Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Bukod sa kasong kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2000 , sa nagpadala at pinadalahan ihahain ng PDEA.VERLIN RUIZ