BULACAN – PINASINAYAAN ang itatayong Multi-Purpose Gymnasium at ang dalawang palapag na gusali o dormitoryo sa loob ng bakuran ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Guiguinto.
Tinatayang aabot sa P30 milyon ang inilaang pondo na naglalayong mabigyan ng mas maayos na pasilidad ang mga estudyante ng TESDA partikular sa lalawigan ng Bulacan.
Mismong sina TESDA Sec. Isidro Lapeña, at Sen. Joel Villanueva, kasama ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan gayundin ang kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH); TESDA Region 3 Director Ret. MGen. Jesus Fajardo at iba pang kawani ng pamahalaan ang nanguna sa ground breaking.
Ayon naman kay Lapeña, hinikayat nito ang publiko na tangkilikin ang lahat ng mga programa ng TESDA na aniya’y malaking tulong sa pag-unlad ng bawat pamilyang Filipino.
Iginiit din ni Villanueva na kailangang mayroong tatlong G ang mga Filipino ang una ay guhit o plano, ang ikalawa ay gana sa kanilang trabaho, at ang huli ay ginhawa ang resultang hatid sa mga tao. THONY ARCENAL
Comments are closed.