MULTI SPECIALTY HOSPITAL SA CLARK

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ambag ng private sector sa pagtulong sa pamahalaan sa pagtatayo ng mga pasilidad na medikal sa bansa.

Ayon sa Punong Ehekutibo, napalakas at napasulong ng private sector ang serbisyong medical.

Si Pangulong Marcos ay nagtungo sa Pampanga at pinangunahan ang briefing at site inspection ng Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC) sa Clark Freeport Zone ay nangakong ituloy ang accessible na kalidad ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa bawat Pilipino.

Sinabi ng Pangulo na ang tugon mula sa pribadong sektor ay talagang napakalakas at napakalaki.

“Because you imagine that this big corporate giants, iniisip lang nila paano kumita, paano kumita. Pero ang katotohanan, noong humingi tayo ng tulong sa kanila, tumutulong talaga sila like the hospital that we had begun that we went to in Clark,” Marcos said, adding those entities also extended assistance in ongoing constructions of other hospitals and health facilities in the country,” ayon sa Pangulo.

Kinilala rin ng Pangulo ang mga local na malalaking korporasyon pati na rin ang mga funding agencies abroad na galing sa iba’t ibang bansa na napakalaking tulong na ibinigay sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, tama ang naging desisyon ng gobyerno na humingi ng tulong sa iba pang sektor sa pagtataguyod ng kanilang infrastructure thrust.

Ang gobyerno, aniya, ay nakikipagtulungan sa maraming sektor kabilang ang malalaking kompanya at mayayamang indibidwal sa pagpapatuloy ng agenda nito.

Ang CMSMC ay inaasahang maging isang world-class na pasilidad ng medikal.

Ito ay itatayo sa isang 5.7-ektaryang ari-arian sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue sa Clark Freeport Zone na bubuksan hindi lamang sa mga pasyente mula sa mga probinsya ng Pampanga at sa natitirang bahagi ng Central Luzon kundi maging sa mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley at maging sa Metro Manila. EVELYN QUIROZ