(Mungkahi ng BSP sa pagpapatuloy ng Russia-Ukraine war) SUPORTA SA FISCAL INTERVENTION

BSP

INIHAYAG ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga plano at mungkahi nito para mapigilan ang matinding epekto ng giyera ng Russia at Ukraine sa bansa.

Sa isinagawang economic briefing, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na pangunahin sa mga planong ito ang ganap na pagsuporta sa fiscal intervention ng national government.

Ayon kay Diokno, suportado rin nila ang napapanahong pagbibigag ng social protection para sa mga Pilipino habang kinakailangan din aniyang magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bawat hapag kainan.

Malaki rin ang paniwala ni Diokno na kailangang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng ligtas at pagluluwag pa ng restrictions.

Aniya, dapat ding mapanatili ang monetary policy support at maging handa sa agarang pagtugon para sa second round na epekto mula sa bumibilis pang inflation. BETH C