SUPORTADO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mungkahi ng Senate Minority Leader na si Franklin Drilon na pagsamahin lahat ng provincial jails sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na sinusuportahan nila ang panukala ni Senador Franklin Drilon na ipasailalim ang lahat ng provincial jail sa BJMP. “This will not only standardize policies and rules in managing jails but will also ensure that local jails are manned by highly-trained and competent jail personnel,” dagdag ng kalihim.
Ayon pa sa kalihim, ang ilang piitan na pinatatakbo ng local government units (LGUs) ay kadalasang kulang sa pasilidad at ang mga tauhan ay kulang din sa kasanayan kaya prente ito sa mga pagpuga ng mga preso.
“I am confident that with BJMP’s competence in managing jails and with its professional corps of uniformed jail officers, pris-on break incidents in provincial jails will be substantially reduced,” sinabi pa nito.
Sa mungkahi ni Drilon, ilalagay sa ilalim ng DOJ ang Bureau of Corrections (BuCor) at sa local jail system naman sa ilalim ng DILG ang BJMP.
Ang paglilipat ng provincial jails sa BJMP ay makabubuti rin aniya upang makaiwas sa mga alalahaning riots, jailbreaks, at maging sa suweldo ng mga local jail personnel, at maging sa mga pagkain para sa preso.
May 74 provincial jails sa buong bansa, habang 13 naman ang provincial jails na ngayon ay nasa ilalim ng BJMP sa bisa ng memorandum of agreement sa pagitan ng LGUs at provincial governments. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.