MUNICIPAL POLICE STATION BINOMBA

terrorist

MAGUINDANAO- BAGO ang twin explosion sa Jolo Sulu na ikinamatay ng ilang sundalo ay pinasabugan din ng mga hinihinalang terrorist group ang likurang bahagi ng municipal police station na katabi lamang ng kanilang munisipyo sa Sharif Aguak sa nasabing lalawigan.

Hinihinalang ISIS influenced Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng  panibagong pagsabog sa Maguindanao.

Sa ulat na ibinahagi sa media ni  Maguindanao police provincial director Col. Arnold Santiago,  isang high explosive projectile mula sa M79 grenade launchers ang pinasabog sa likurang bahagi ng Municipal Police Station (MPS) at municipal hall sa Shariff Aguak.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng panic sa mga residente dahil sa lakas nito.

Sinabi naman ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan na posibleng pananakot ang motibo sa pagsabog dahil may nakakulong na high value suspect sa custodial facility ng PNP. VERLIN RUIZ

Comments are closed.