MUNZON PBAPC PLAYER OF THE WEEK

PINAIGTING ng NorthPort ang defensive game nito tungo sa pagposte ng pinakamagandang simula na 4-0 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

At sa ilalim ng “let-the-defense-feed-the-offense” approach na ito ay kuminang si Joshua Munzon, isa sa premier two-way players ng liga at recipient ng PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week citation para sa period sa Dec. 3-8.

Si Munzon, miyembro ng All-Defensive Team noong nakaraang season, ang namuno sa depensa ng Batang Pier nang magkasunod nitong pataubin ang Magnolia at TNT upang mapanatili ang kanilang unbeaten run sa mid-season conference.

Humataw si 6-foot-4 Munzon ng 25 points, 9 rebounds, 3 assists, at 5 steals sa 107-103 panalo ng NorthPort kontra Hotshots, pagkatapos ay sinundan ito ng 20-point, three-rebound, two-assist, four-steal statline sa 100-95 pagbasura ng koponan sa Tropang Giga.

Sa parehong laro, isinalpak ni Munzon ang isang clutch long-distance basket na nagselyo sa panalo – isang cold-blooded four-pointer, may 49.6 segundo ang nalalabi laban sa Season 48 Commissioner’s Cup runner-up Magnolia at isang dagger triple, may 1:28 sa orasan kontra reigning Governors’ Cup titlist TNT.

“I’m confident in myself. Every time I shoot the ball, I think it’s going in. So, you know, just taking that shot with confidence and I was happy it went in,” wika ni Munzon.

May average na 22.5 points, tampok ang 44-percent clip mula sa three-point territory, 6 rebounds, 4.5 steals at 2.5 assists, si Munzon ay naging pangalawang POW awardee ng conference matapos ni Bong Quinto ng Meralco sa opening week.

Si NLEX’s Robert Bolick, na ang 20-point fourth-quarter outburst at 39-point explosion overall ay naghatid sa Road Warriors sa epic 104-99 come-from-behind upset sa defending champion San Miguel Beer, ay kinonsidera rin ng mga miyembro ng media na regular na nagko- cover sa PBA beat.

Si Bolick ay may average na 35.5 points, tampok ang 65-percent field goal shooting at 80-percent marksmanship mula sa four-point arc nang gapiin ng Road Warriors ang Terrafirma, 107-95, at Beermen para umangat sa 3-1.

Ang iba pang kandidato para sa weekly honors ay sina NorthPort’s Arvin Tolentino, Meralco’s Chris Newsome at Rain or Shine’s Leonard Santillan.