Mura, Mabilis at Walang Kuskos Balungos na Pag-renew Online ng Sangla Inilunsad ng Palawan Pawnshop

ALIGAGA at maging sa trabaho ay may bitbit na alalahanin dahil sa marerematang sangla? Hindi na kailangang maging balisa. May solusyon na diyan ang Palawan Pawnshop! Hindi na rin kailangang umalis ng bahay o lumisan sa trabaho.

Sa paghahangad na makapagbigay ng mainam at maayos na solusyon para sa mga suki,  inilunsad ng Palawan Pawnshop, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang pangalan sa industriya, ang makabagong paraan para mas mapadali ang paraan ng pagma-manage ng mga kustomer sa kanilang alahas na nakasangla. Ito sa pamamagitan ng Online Pawn Renewal ng PalawanPay App.

Ang makabagong serbisyo ito ay nagbibigay daan na ma-i-renew  ang mga nakaprendang alahas sa anumang oras at kahit saang lokasyon gamit ang PalawanPay App. Maari pa rin namang  pumunta sa mahigit na 3,300 na branches ng Palawan Pawnshop sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng PalawanPay App, maaari nang i-extend ng mga kustomer ang loan period ng kanilang mga nakasanglang alahas. kailangan lamang kumpletuhin ang mahahalagang detalye sa pawn ticket kagaya ng pangalan, petsa ng sangla, pawn ticket number at  iba pa. Kapag na,review na ang mga detalye, pwede nang i-click ang renew button at magpapadala ito ng successful pawn renewal notification sa nakarehistrong mobile phone. Kayang-kaya rin ng bulsa ang ₱20 renewal transaction fee, napakalaking tipid sa oras, at pamasahe.

Hangad ng Palawan Pawnshop na bigyan ng mura, mabilis at walang kuskos balungos na serbisyo ang kanilang mga suki.   Isa na rito ang ang  automated text notification feature na nagpapaalala sa kanilang mga suki ng kanilang due date at expiration  date ng kanilang sangla, ito ay upang makaiwas sa multa o karagdagang gastos.

Ang Palawan Pawnshop ay kilala rin sa pagbibigay ng pinakamataas na appraisal at   pinakamababang interest rate.  Mayroon ang Palawan Pawnshop  na ‘tiered interest rate system’,  sa mababang  1% na interest rate para sa mga pautang na 11 araw, 2% para sa 22 araw, at 3% para sa 33 araw. Ito ay napakainam at napakasulit na solusyon para sa mga suki.

Bukod dito, ang mga customer na may mga Suki card ay mayroong eksklusibong benepisyo, kabilang   ang hanggang 5% diskwento sa interes.

Para sa karagdagang kaalaman, bumisita sa PalawanPay o Palawan Pawnshop Websites  o magtungo sa alinmang sangay ng Palawan Pawnshop na malapit sa iyo. Ang Palawan Pawnshop at PalawanPay ay pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.