MURANG BIGAS MABIBILI NA SA SUPERMARKET

Bigas

INIHAYAG ng Department of Trade and Indus try (DTI) na mayroon nang mabibiling murang commer-cial rice na nagkakahalaga mula P34 hanggang P39 per kilo sa ilang supermarkets.

Sa isang panayam inihayag ni DTI Secretary Ramon Lopez. “’Yan ang magandang balita ngayon na may P34 hanggang P39 [per kilo] commercial rice.

Ayon kay Lopez, bunsod ito ng inaprubahang Administrative Order No. 13 ng National Food Authority noon pang Oktubre ng taong kasalukuyan.

“Dito sa programa natin na kapag sila ay nag-import, makakabenta sila ng diretso. In other words, ‘di na sila dadaan sa  maraming traders. Makakabenta na sila ng murang bigas, paliwanag ng opisyal.

Sinabi pa ni Lopez, na ginagawa ng kanilang kagawaran para mapababa ang presyo ng bigas diretso sa mga konsyumer.

Isa sa mga sinasabing piling retailer ang Robinsons Supermarket ang unang  outlet na naka tugon sa bagong polisiya at makapagbebenta na ng mababang presyo ng bigas.

“Ang unang nakapag-comply riyan ‘yung Robinsons Supermarket. Dito po sa Manila, 88 branches nila. Mayroon na silang bigas lower than P40 [per kilo].”

Bukod sa  Robinsons, Puregold at Gaisano ay magbebenta na rin ng mga murang commercial rice sa mga susunod na linggo base sa ginawang hakbang ng NFA upang sa gayon maging mas mura ang presyo ng bigas at para na rin maidiretso ito sa mga konsyumer.  VERLIN RUIZ