MURANG CELFONE MABIBILI NA

celfone

MAHILIG  ang mga Filipino sa  lakaran at nakapanghihinayang kung wala ‘groupie’ at siyempre hindi dapat palalagpasin ang pagkakataon na makunan ang magagandang ta­nawin sa isang out-of-town sa masayang ‘selfie’.

Nakapanlulumo ang sandaling hindi ka kontento sa resulta dahil sa mababang kalidad ng camera ng iyong smartphone. Hindi na kailangan ang  mamahaling gadget para makamit ang minimithing kasiyahan.

Narito na at mabibili sa merkado ang bagong AndroidTMGo smartphone Redmi Go ng Xiaomi sa halagang P3,990.00.

Ang AndroidTMGo program ay inilunsad ng Google nitong 2017, at sa mababang halaga, makukuha ang kahusayan ng bagong version ng Android sa Redmi Go. Gamit ng Redmi Go ang Android™ 8.1 Oreo™ (Go edition) operating system, tampok ang mas pinalawak na Google apps upang malimitahan ang labis na paggamit ng storage at data.

“Xiaomi has received such a warm welcome in the Philippines since its re-entry last year, and we are really grateful to all Mi fans for their support,” pahayag ni Steven Shi, Head ng Southeast Asia, Xiaomi Global.

“With Redmi Go making its global debut here, we hope that even more users here will be able to enjoy an amazing smartphone experience at an amazing price. This is part of our commitment to make innovation available to everyone.”

Ang Redmi Go ay kinapapalooban ng 5.0-inch HD display, Qualcomm ®Snapdragon™ 425 SoC, at binubuhay ng 3000mAh battery.

Natapos na ang pre-order sa Lazada nitong Pebrero 3 at mabibili na ang Redmi Go sa mga awtorisadong tindahan simula Pebrero 4.

Comments are closed.