ABOT-KAYA na ang presyo ng mga piling gamot sa ilalim ng isang execu- tive order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 104 na may titulong “Improving Access to Healthcare through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines” upang magpatupad ng price regulation sa pamamagitan ng maximum retail price (MRP), maximum wholesale price (MWP) sa ilang gamot.
Ang EO ay inaasahang magpapababa sa presyo ng mahigit sa 100 gamot ng 56 percent mula sa umiiral na market prices.
Kabilang dito ang mga gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung disease, sakit ng mga bagong panganak na sanggol at kan-ser.
Sa ilalim ng EO, “the government acknowledges that expensive healthcare, including costly medicines, pushes a significant number of Filipinos to poverty, discourages them from seeking the appropriate medical treatment, leads to drug and medicine resistance, as well as endangers lives, thereby increasing the morbidity and mortality rates across the different socio-economic classes.”
Nakasaad pa sa EO na ang MRP sa lahat ng gamot ay ipatutupad sa lahat ng public at private retail outlets, kabilang ang drugstores, hospitals at hospital pharmacies, health maintenance organizations, convenience stores at supermarkets.
Samantala, ang MWP sa lahat ng gamot ay ipatutupad sa lahat ng manufacturers, wholesalers, traders at distributors.
“No public or private entity shall be allowed to sell, reimburse or demand from the public or patients’ payment in an amount higher than the MRP or MWP, as the case may be,” ayon pa sa EO.
Sa loob ng anim na buwan mula nang ipatupad ang batas, ang talaan ng mga gamot na nasa ilalim ng MRPs at/o MWPs ay rerebyuhin ng Department of Health (DOH). PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.