MURANG KORYENTE SA ‘LIFELINE CONSUMERS’ PINALAWIG HANGGANG 2041

Kawad ng kuryente

NAKASISIGURO na ang mga tinaguriang ‘lifeline consumer’ ng mas mababang singil sa koryente bilang isang uri na rin ng subsidiyang ibinibigay sa kanila ng pamahalaan, hanggang sa susunod na 20 taon.

Ito ang inihayag ni House Committee on Energy Chairman at Marinduque province Rep. Lord Allan Jay Velasco matapos na aprubahan ng kanyang komite ang consolidated bill ng House Bills 7059 at 7341, na naglalayong palawigin ang pagpapatupad ng ‘lifeline power rate’ o pag-amyenda sa Section 73 ng Republic Act 9136, o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“This is a welcome development for our lifeline consumers. Our poor households are the hardest hit during this time of the pandemic, and with this measure, we hope to help them ease their financial burden,” sabi pa ng Marinduque province solon.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala na pag-amyenda sa nasabing probisyon ng EPIRA, palalawigin hanggang sa 2041 ang pagtatakda ng mababang singil sa koryente sa low-income Filipino households.

“This is a very significant form of assistance that we could provide to lifeline consumers since most of them are stay-at-home because of quarantine restrictions, and with that we expect the power consumption to go up. Many are working from home and children have online classes,” paliwanag ni Velasco.

“With the changes to EPIRA getting closer to being approved by Congress, we can assure low-income Filipino households of uninterrupted access to affordable electricity,” dagdag ng House panel chairman.                  ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.