MURANG NFA RICE IBEBENTA SA PILING LUGAR SA BULACAN

NFA RICE3

INILUNSAD ng National Food Authority (NFA) sa Bulacan ang programang “Tagpuan Day Rice Response Delivery” para makarating sa mga relocation sites ang murang bigas na ibinebenta ng ahensiya upang mapakinabangan ito ng mahihirap nating kababayan.

Ayon kay Rex Estoperez, NFA spokesperson at Central Luzon director ng ahensiya, inatasan ni President Rodrigo Duterte si NFA administrator Jayson Aquino na unahing bentahan ng murang bigas “ang mga kapatid natin na hindi makakapunta sa bayan para makapamili, kaya kami ang pupunta sa kanila.”

Ipinaliwanag nito na ang konsepto ng “Tagpuan Day” ay parang sa mga rolling store na minsan isang linggo na pupunta sa kanilang napagkasunduang lugar.

Sinabi pa ni Estoperez ang mga murang bigas na ibebenta ng mga rolling store ay dadalhin sa mga na tukoy na mga komunidad ng mga indigenous people, resettlement sites at rehabilitation centers.

Idinagdag pa niya na kapag nakita ni NFA Administrator Jayson Aquino na maganda ang naging kalakaran sa nasabing programa ay puwede rin itong ipatupad ng NFA sa buong bansa.  ARIEL BORLONGAN

Comments are closed.