MURANG SWAB TEST SA MGA TURISTA PARA MAPALAKAS ANG LOCAL TOURISM

SWAB TEST

LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Tourism (DOT) at ang UP Philippine General Hospital (PGH) para sa mas murang swab testing sa mga kuwalipikadong turista.

Layon ng kasunduan na mapalakas ang domestic tourism sa gitna ng pandemya.

Sa virtual signing ng memorandum of agreement (MOA) ng PGH at DOT, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na isa-subsidize ng ahensiya ang malaking bahagi ng bayad sa RT PCR test ng ilang local tourists.

Ayon kay Puyat, ang PGH ang napili nilang partner dahil sa murang RT PCR testing nito na aabot lamang sa P1,800.

Naglaan ang DOT ng halos P10 milyong pondo para sa programa kung saan sasagutin ng ahensiya ang kalahati o P900 sa kada swab test.

“[W]e learned that the cost of the RT PCR test was a barrier to travelling. Through this MOA, we’ll provide UP PGH with funds amounting to P9,999,900 for the purpose of subsidising the RT PCR test of approximately 11,000 local tourists to make travel more affordable for Filipinos,” sabi ni Puyat.

Tinatayang 11,000 local tourists ang makikinabang sa naturang programa.

Para sa mga interesadong mag-avail ng naturang programa, mag-register muna online sa https://www.tpb.gov.ph/rtpcrphtravel/ limang araw bago ang biyahe.

Kailangan din ng mga aplikante na magprisinta ng government-issued ID, hotel bookings, at roundtrip tickets para sa mga may bookings na kailangang mag-eroplano.

Tatagal ang programa hanggang Hunyo 2021.

Comments are closed.