MURDER CASE MALAKAS NA KASO VERSUS BALDO – AÑO

Eduardo Año

QUEZON CITY – CONGRATULATIONS ang pagbati ni Interior Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) makaraang maresolba ang kaso ng pag­paslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.­

Ito ay nang maaresto ang mga suspek sa pagpatay kay Batocabe,  habang binati ng DILG ang pulisya sa pamumuno ni Director General Oscar Albayalde, Police Regional Office 5 sa pangunguna ni Chief Supt. Arnel Escobal, PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PNP Intelligence Group sa pagresolba sa kasong pagpaslang kay Batocabe sa naging mabilis na panahon at pagtukoy kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind o utak ng krimeng ito.

Samantala, nasa ilalim nang kustodiya ng PNP ang mga eyewitness at ilang ebidensiya na tumutukoy sa alkalde na siyang mastermind ng pagpatay.

Sinasabing mayroong malakas na kaso at patutunayan sa korte sa pagkakasangkot nito o bilang utak ng pamamaslang kay Batocabe.

Sa katunayan, naghain na ng doubleng kaso ng murder at multiple frustrated murder laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

“Ang breakthrough sa kasong ito ay resulta ng walang humpay na police investigation at intelligence operations at gagawin namin ito sa lahat ng posibleng kaso ng “political terrosism” na may kinalaman sa darating na eleksiyon. Bilang direktiba mismo ng Pangulo, magiging alerto ang DILG-PNP sa mga taong magsasagawa ng “political terrorism” katulad ng pagpatay sa kanilang mga kalaban sa eleksiyon para masiguro ang  pananatili nila sa puwesto”, dagdag pa nito.

“Maging babala sana ito sa mga politiko na huwag takutin, gipitin o gumawa ng karahasan laban sa kanilang mga katunggali sa politika sa darating na eleksiyon, dahil tutugisin sila ng DILG-PNP upang magkaroon ng hustisya.  Ang PNP ngayon ay nasa heightened alert upang masubayba­yan ang mga gawain ng lahat ng mga kandidato sa darating na halalan,” saad pa ni Año. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.