NAKORNER ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Special Operation Unit ang isang murder suspect sa Cupang, Antipolo City kamakalawa.
Kinilala ni PNP-AKG Director Bgeneral Jonnel C. Estomo ang suspek na si Pedro C. Denola Jr. na nasakote sa sinagawang law enforcement operation sa Blk 11 Lot 7, Narra Ave, Palmera Woodland, Brgy Cupang, ng nabangit na siyudad.
Sa pahayag ni PNP-AKG Spokesman Major Rannie Lumactod, bandang alas- 7:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng PNP-AKG SOU na pinamumunuan ni P/Lt. Col Wilfredo V Sy ang pinagtataguan ni Denola.
Bitbit ng mga awtoridad ang isang “ Alias Warrant of Arrest” sa kasong murder na inisyu ni Hon. Eduardo Israel Tanguanco, Presiding Executive Judge ng RTC Branch 89, 4th Judicial Region, Bacoor City, Province of Cavite kaya hindi na nakaporma pa ang suspek ng dambahin ito.
Walang piyansang inerekomenda para sa pansamantalang paglaya ng suspek na responsable sa naganap na pamamaslang sa Queensrow, Molino, Bacoor City noon taong 2005 at nagtago ito sa Antipolo City .
Pansamantalang inilagay sa kustodiya ng AKG HQS ang suspek for documentation bago ibigay sa pangangalaga ng korte. VERLIN RUIZ
Comments are closed.