IPAPARADA ng Farm Fresh ang kauna-unanang international recruit nito, si Yeny Murillo, sa darating na Premier Volleyball League Reinforced Conference na magsisimula sa July 16 sa Philsports Arena.
Ang Foxies ay naghahanda para sa bagong simula kasama si Murillo, isang dynamic 25-year-old spiker, na dadalhin ang kanyang mayamang karanasan sa kabila ng kanyang murang edad.
Pumasok sa professional volleyball scene noong 2021, ang journey ni Murillo ay nagsimula matapos ang collegiate stint sa Arizona Western College at Grand Canyon University, na sinundan ng pagtalon sa Europe kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa Greece sa AO Thiras para sa 2021-22 season.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang overseas odyssey sa stints sa France, naglaro para sa Municipal Olympique Mougins Volley-Ball and Rennes EC, gayundin sa Cyprus sa Anorthosis Famagusta at sa Czechia sa thanks TJ Sokol Frýdek-Místek.
Ang Farm Fresh ay naghahanda na para harapin ang Khat Bell-powered Chery Tiggo sa opening day sa alas-4 ng hapon.
Ang iba pang reinforcements na nakahandang magpakitang-gilas ay sina Erika Staunton (Creamline), Lena Samoilenko (PLDT), Oly Okaro (Akari), Marina Tushova (Capital1), MJ Perez (Cignal), Zoi Faki (Choco Mucho), at Asaka Tamaru (ZUS Coffee).
Sisikapin ng Foxies na mahigitan ang ninth place finish (3-8) sa All-Filipino Conference.
Ang Farm Fresh ay pipili fourth overall sa inaugural PVL Rookie Draft bukas ng gabi sa Novotel Manila Araneta City.