MUSEO SA THE MANSION SA BAGUIO BINUKSAN NA

BUKAS na sa publiko ang Presidential museum sa loob ng The Mansion House, ang official residence ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Baguio City.

Pinangunahan ng Unang Ginang Liza Marcos ang opening ceremony ng Presidential Museum.

Nagdesisyunan ang First Lady  na buksan ito sa publiko bilang tourist attraction dahil hindi naman nagagamit ang nasabing mansiyon.

Ayon kay Palace Social Secretary Bianca Zobel, nais ng First Lady na ipakita sa mga taga norte ang Malacanang heritage mansion.

Bukas ang museo ng Martes hanggang  Linggo mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.