MUSICAL TRIBUTE PARA KAY RICO J PUNO

rico j puno

reflectionISANG musical tribute ang ihahandog kay Rico J. Puno ng mga kasamahan niyang mang-aawit sa huling gabi ng kanyang wake sa Miyerkoles, Nobyembre 7, Sanctuario de San Antonio Chapel sa Forbes Park, Makati City.

Hindi kami magka­kilala personally ni Rico pero nagkaroon kami ng chance na makatsikahan siya few weeks before he died. But before that, nakita rin namin siya na nagda-drive ng kanyang sports car paalis sa venue ng presscon in one of his last concerts.

Kaya nu’ng nakausap namin siya sa presscon ng “Music and Laughter: Sana tatlo ang Puso Ko” sa Limbaga 77 restaurant last October 18, we mentioned about his bonggang sports car.

Tinanong niya kami kung anong tatak ng sports car na gamit niya that time.   Kung Porsche raw ba o Jaguar? Malamang daw ‘yung Porsche ‘yun dahil sira raw ang kanyang Jaguar na naka-park sa kanyang bahay sa Makati.

Kita naman sa aura ni Rico sa presscon ng “Music and Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko” na gagana­pin sa Theater at The Solaire kung saan  kasama niya ang anak na si Tosca Puno.

Ayon kay Rico at Tosca, mas madalas daw kasi silang magkasama sa bahay ng music icon at sa mga show. Pero mas masaya raw si Tosca dahil mas nakaka-bonding niya ang kanyang Daddy.

Excited din daw sila na mag-duet sa “Sana Tatlo ang Puso Ko” concert nila na naka-schedule on Nob­yembre 23. Kinu-consider daw ituloy ng producer ng concert  ang show. Pero wala pang official statement na nilalabas  ang producer.

Bago pa man ginanap ang presscon ng “Sana Tatlo ang Puso Ko,” balita namin ay pa-sold out na ang tiket for the concert.

If ever matuloy ang concert, nag-suggest daw ang producer na gawing tribute ang concept ng show for Rico at ang kapatid ni Tosca na si Rox Puno ang mag-represent sa tatay nila.

ANDREA BRILLANTES CRUSH NG BAGONG TALENT NA SI RENSHI DE GUZMAN

andrea brinllantesCRUSH ng baguhang talent ng T-Rex Entertainment ni Mr. Rex Tiri na si Renshi de Guzman ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes. Naging crush daw niya si Andrea nu’ng makita niya sa social media. Agad daw siyang nag-follow sa social media accounts ni Andrea.

In fairness, mukhang bagay sila ni Andrea physically at magka-edad lang din sila halos. Malay natin baka one day ay itambal siya kay Andrea since nagkaroon na nang pagsasanib-puwersa ang T-Rex Entertainment at Star Cinema kamakailan.

Bukod kay Andrea, crush din daw niya si Nadine Lustre na girlfriend ni James Reid. At gaya ni Andrea, pina-follow din daw niya si Nadine sa social media.

Gamer at best friend ni CJ Navato ang role ni Renshi sa “Class of 2018.” Vibes naman daw sila ni CJ sa set kahit ngayon lang sila nagkakilala. Mahilig daw kasing magpatawa si CJ.

“Kami ‘yung mag-best friend pero hindi po sila magaling mag-game. Then, ako po ‘yung sobrang magaling mag-strategy. Since gamer po ako, matalino po ako. Pero ginagamit ko po ‘yung talino ko sa game,” kuwento ni Renshi.

Dasal ni Renshi suportahan ng mga manonood ang “Class of 2018” na ipal­alabas na on November 7, Wednesday. May premiere night din ang movie nila sa Tuesday, November 6, 7 pm sa Cinema 7 sa TriNoma mall.