MUSIKA AT MUAY THAI

MAHALAGA  ang panahon para sa sarili, at lalong mahalaga na maging kaibigan natin ang ating sarili.

Ito ang wika ng tanyag na philosopher na si Seneca. Ito umano ang tamang sukatan ng tagumpay.

Isa sa maraming daan upang mahalin ang sarili ay ang pagbibigay ng panahon para sa mga bagay na ating kinagigiliwan, kagaya ng sports at musika.

Napakayaman natin sa oportunidad para sa mga ito sa panahong ito, dahil sa internet at dahil sa mga taong bukas-pusong nagbabahagi ng kanilang talento at kakayahan sa madla.

Nais kong bigyang puwang ang isang panawagan ng muay thai instructor na si Karl de Mesa para sa isang Muay Thai Group Class na gaganapin bukas, Sabado, ika-21 ng Mayo sa Riverside FC at Manila Boat Club sa Makati sa ganap na 12:30 ng hapon. P200 lamang ang bayad sa klaseng ito ngunit kung ikaw ay may University of the Philippines student ID, maaaring makasali nang libre! Mangyaring magpa-reserve ng puwesto sa pamamagitan ng Facebook account na “De Mesa R. Karl”.

Sa Sabado pa rin, ika-21 ng Mayo, sa ganap na alas-singko ng hapon ay magaganap ang isang libreng online piano concert sa pamamagitan ng Facebook Live. Hanapin lamang ang event page na “Jose Juan F. Marco R. Valenciano: Pirates of the Music”. Tutugtugin ng piyanista ang mga obra nina Bach, Massenet, Joplin, Waller, Tatum, at Kapustin.

Napakagandang (at napakatipid) na paraan ito upang mag-unwind pagkatapos ng isang masalimuot at abalang linggo.

Isama na ang mga kaibigan at mahal sa buhay at sabay-sabay na i-enjoy ang live piano music ng magaling na piyanistang si Jose Juan F. Marco R. Valenciano.