MUSLIM CEMETERY ITATAYO SA MAYNILA

Muslim Cemetery

KASADO na at maisasakatuparan na ang isa sa mga mithiin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na makapagpatayo ng isang Muslim ce­metery.

Kasunod ito ng paglagda ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa isang ordinansa na nag-aatas ng pagtatayo ng bagong sementeryo para sa mga namatay na kapatid na Muslim.

Sa nilagdaang Ordinance No. 8608, tinata­yang aabot sa P49,300,000 ang halaga ng pondo na inilaan para sa development ng bagong sementeryo sa Manila South Cemetery.

Ilan sa mga witness ng paglagda ay sina Vice Mayor Joney Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Se­cond District Councilor Darwin “Awi” Sia na siyang principal author at miyembro ng Manila City Council.

Kasama sa bagong sementeryo ang pagtatayo ng Cultural Hall gayundin ang pagbuo ng plantilla items para sa hiring ng personnel sa ilalim ng bagong Muslim Cemetery Division.

Ang Manila Muslim Cemetery ay nasa 2,400 square meters ang lote na magsisilbing eksklusibong libingan ng mga Muslim na residente ng Maynila.

Nilagdaan ang nasabing ordinansa upang kilalanin ang katangiang kultura at tradisyon ng Muslim community. PAUL ROLDAN

Comments are closed.