SUPORTADO ng dating administrasyon ng Blue Mosque and Cultural Center (BMCC) sa Maharlika Village, Taguig City ang dati nilang administrador na si Jadjurie H. Arasa sa kabila ng malisyoso at hindi tamang akusasyon ng kalihim ng National Com-mission on Muslim Filipino (NCMF) rito.
Sa nakalap na sumbong ng MASAlamin, mukhang gawa-gawa lamang ang akusasyon nina NCMF Sec. Saidamen Pangarungan, Director Jun Dato Ramos at Ali Macabalang na talamak daw ang bentahan ng shabu sa masjid.
Pinabulaanan kasi ito ng mga dating lider relihiyon sapagkat nai-single out dito ang mga kabataang Tausug na siyang laging nasa masjid.
Ayon pa sa kanila, isang iresponsableng pahayag ang isinulat ni Macabalang kung saan inaakusahang walang nagawa si Arasa sa isyu ng mga nagbebenta ng droga sa loob umano ng masjid.
Sa halip umano na maging unifying factor para sa mga Muslim ang NCMF sa pangunguna ni Sec. Pangarungan ay lumalabas na pinaghihiwa-hiwalay pa nito ang mga Muslim sa pamamagitan ng tsismis at tribalismo.
Ayon pa sa religious leaders, dapat nga umano ay nagpapasalamat sila kina Sulu Governor Abdusakur Tan at ang Sali Nudjang Foundation na siyang tumutulong sa Hajj at sa Blue Mosque noon bilang kanilang mga Sadaka.
Kaya naman kaisa tayo sa panawagan nina Dr. Abdurahman Amin at Grand Imam Sheikh Abdulrafih Sayedi na maipahatid sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyayari sa Blue Mosque lalo ngayong malapit na ang Ramadhan.
Comments are closed.