KASALUKUYANG sumasailalim sa malaking pagbabago ang industriya ng agrikultura sa bansa. Mula sa isang industriya na hindi masyadong napagtuunan ng pansin noong mga nakaraang administrasyon, ito ay ipinoposisyon ngayon bilang isa sa mga pangunahing industriya na magpapalago sa ating ekonomiya.
Bilang pinuno ng agrikultura sa bansa, naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) na aangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasakang Pilipino at mapaiigting ang lokal na produksiyon ng pagkain sa bansa sa tulong ng iba’t ibang inisyatibang makapagpapalakas ng naturang industriya.
Napakahalaga ng pakikipagtulungan ng mga miyembro ng pribadong sektor upang makamit ang mga adhikain ni PBBM para sa industriya ng agrikultura. Isa sa mga conglomerate sa bansa ang aktibong nagbibigay ng suporta sa mga insiyatiba ng industriya – ang Metro Pacific Investments Group na pinamumunuan ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan o MVP.
Sa ikalawang bahagi ng panayam niya sa business news at features website na context.ph, binanggit ni MVP ang mga isyung kinakaharap ng industriya ng agrikultura at kung ano’ng ginagawa ng kanyang mga kompanya upang makatulong sa pagtugon sa mga ito.
“There is increasing importation of food items into the country. Our ability to grow what we need to feed our people is not there. I think it’s time to address the issues surrounding that and I am glad the President is paying a lot of attention to agri; agri and aqua go hand in hand. It’s something I feel our group should help in whatever way we can to ameliorate the food situation,” pagbabahagi ni MVP.
Ang pagyanig ng pandemyang COVID-19 sa mundo ay naging daan para makita at matukoy ang iba’t ibang isyu sa pangangasiwa sa sistema ng produksiyon ng pagkain sa bansa. Kaugnay nito, binalikan ni MVP ang mga suliranin na kinailangang tugunan ng bansa. “In the first year of the pandemic, there was panic buying, especially in Metro Manila. Supply chains in domestic and imports got clogged up. Food supply trucks from the provinces could not get to Metro Manila because of the regulations that limited them to ameliorate the spread of the virus.”
Laking pasasalamat naman na maraming solusyon ang naaangkop sa mga isyung ito na siya ring nagpalabas sa natatagong mga potensiyal ng industriya ng agrikultura. Sa isang pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), binigyang-diin na ang mga system-based na istratehiya na maaaring gamitan ng teknolohiya ay makatutulong sa pagsusulong ng adhikain ng bansa ukol sa food security.
Sinang-ayunan naman ni MVP ang pahayag ng PIDS. Aniya, kailangan talaga ng istratehiyang nakabatay sa paggamit ng teknolohiya at imprastraktura. Ang supply chain ng mga produktong pagkain ay dapat kabilang sa kabuuang plano ng industriya.
“The factor inputs that get into production of food in this country — whether fresh food, canned food or cooked food — we need to have a digital map of where they are procured and where they are eventually sold. Several food items produced locally are seasonal in nature, so their storage is very important, and the logistics and costs of those logistics are also very important.”
Lumabas ang mga balita ukol sa mga bagong agribusiness na pinasok ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Kabilang dito ang pinasok kamakailan ng grupo na dairy at industriya ng niyog. Ibinahagi rin ni MVP na marami silang natututunang bagong kaalaman habang tumatagal dahil aminado itong, baguhan pa ang kumpanya sa mga industriyang nabanggit.
“The main challenge on the agri side is the ability to get into commercial farming where you need significant amounts of land, and you have to develop the science and management of large commercial farms.”
Ayon kay MVP, ang pagrenta sa lupa ang isa sa mga praktikal na gawin. Ito rin aniya ang ginagawa ng ating mga karatig bansa na Indonesia at Malaysia.
“We have to put the money to where the production inputs are to produce the food. For staple items, you do need large-scale farming to reduce the costs and make it available hopefully on a year-round basis.”
Batay sa ideya ni MVP, dapat gumamit ng bagong modelo pagdating sa isyu ng reporma sa industriya at dapat ito ay naka-tuon sa paggamit ng teknolohiya at kung paano magiging maganda ang pag-ikot ng pera sa industriyang ito na siyang hihikayat sa mga negosyo.
“Let’s look at the new model in this current age, especially our ability to deploy technology both on the growing side of the business and on the logistics side of the business.”
Layunin ng MPIC na maging halimbawa at kinalaunan ay gawing kahika-hikayat para sa mga ibang kompanya ang pumasok sa agrikultura. Sabi nga ni MVP, “I hope we can be a cowbell investor that we have to prove that this makes sense and this makes profits. If they see that we’re losing a lot of money then why should businesses get into it?”
Naaalala ni MVP ang karanasan niya noong inumpisahan niyang buuhin ang hospital portfolio ng MPIC sa pamamagitan ng pagkuha sa Makati Medical Center dahil aniya, hindi ito nagkakalayo sa karanasan nya ngayon. Dagdag pa niya na ganito rin ang karanasan niya nang kunin ang dairy firm na Carmen’s Best. Agad ding hinarap ni MVP ang mga balitang ginagamit lamang pampabango ng MPIC ang pagpasok sa mga negosyong nabanggit.
“I can assure you that is not the intention, we are serious about this. We are not investing to look good to anybody. So we have to show performance, to our shareholders, to our board, that this makes sense and that eventually, we can scale up to make it a contributor not only to Metro Pacific but to the larger economy,” sabi ni MVP.
Higit sa lahat, sinabi rin ni MVP na ang mga pamumuhunan sa industriya ng agrikultura ay naka-angkla sa kanyang paniniwala na, “It is a need of our people. We have to feed our people first, rather than importing what we want to import.”
Sa salita mismo ni MVP, basic ito dahil mula pa noon talaga namang kailangan ng pagkain ng mga tao. Batay din sa hierarchy of needs na ginawa ni Abraham Maslow, isang sikat na psychologist mula sa US, ang pisyolohikal na pangangailangan ng tao gaya ng pagkain, tubig, at bahay ay ang mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay.
Sa huling yugto ng panayam, tatalakayin ang personal na buhay ni MVP, pamilya, at adbokasiya sa industriya ng isports.