NAKOPO ni Philadelphia 76ers center Joel Embiid ang NBA’s Most Valuable Player award sa unang pagkakataon.
Si Embiid ay namayani laban kina Denver Nuggets center Nikola Jokic, na tumalo sa kanya sa nakalipas na dalawang seasons, at Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, na nagwagi ng back-to-back awards noong 2019 at 2020.
Ang Cameroonian big man ay tumanggap ng 73 first-place votes mula sa panel ng 100 broadcasters at journalists. Ito ang ika-5 sunod na pagkakataon na nanalo ang isang international player.
Ang 29-year-old ay ikalawang African player pa lamang na naging MVP matapos ni Nigerian-American Hakeem Olajuwon ng Houston Rockets sa 1993-94 season.
Ang third overall 2014 draft pick ay nanguna sa liga sa scoring sa ikalawang sunod na taon, may average na career-high 33.1 points per game sa 54.8% shooting mula sa field, 10.2 rebounds at 4.2 assists bukod sa 66 three-pointers.
Ang MVP trophy ay muling ipinangalan kay Michael Jordan, na itinuturing na isa aa greatest players of all time.