SINIBAK ni Presidente Rodrigo Duterte si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Reynaldo Velasco.
Ayon kay Duterte, si Velasco ay papalitan ni retired General Ricardo Morales.
Inanunsiyo ng Pangulo ang pagsibak kay Velasco at ang appointment ni Morales noong Huwebes ng gabi sa Davao City sa thanksgiving party para kay Senator-elect Bong Go.
Ang hakbang ay kasunod ng water crisis na naranasan sa Metro Manila at Rizal noong Marso, na ikinagalit ng Pangulo.
Sinabi ni Morales, na nakatira sa Davao, na hinihintay niya ang kanyang appointment papers at nakahandang tanggapin ang trabahong ibinigay sa kanya ng Chief Executive.
Magugunutang may 1.2 million households na sineserbisyuhan ng Metro Manila east zone concessionaire Manila Water ang naapektuhan ng water crisis.
Hanggang ngayong buwan, maraming kabahayan pa rin sa Metro Manila ang nakararanas ng water service interruptions dahil sa mababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.
Ipinaliwanag ng Manila Water na ang mga pag-ulan na naranasan sa Metro Manila ay hindi sapat para maibalik ang water level sa regular level na 78 hanggang 79 meters.
“We still need a lot more and continuous days of that much rain for us to refill La Mesa. Secondly, even if we are able to refill La Mesa and we begin to draw water from it again to augment the still-deficient water supply, it is certain that we will encounter water quality issues,” wika ni Jeric Sevilla, group head para sa Corporate Strategic Affairs at Manila Water.
Maging ang mga senador ay binatikos ang MWSS dahil sa pagkabigong mapigilan ang water interruptions.
Sinabi naman ni Velasco, nanungkulan sa MWSS noong 2017, na nakahanda siyang bumaba sa puwesto kung ipag-uutos ng Pangulo.
Comments are closed.